18-ANYOS NA LALAKI, TIMBOG SA KASONG PANGGAGAHASA

Cauayan City – Hindi na makapag-tatago pa sa batas ang isang labing-walong taong gulang na lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte, nadakip ang suspek na kinilalang si Alyas “Kokoy”, 18-anyos, residente ng nabanggit na lugar na siya ring itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa lambak ng Cagayan matapos maharap sa kasong labing-apat (14) na bilang ng Statutory Rape.

Watch more balita here:  PAG-BAN NG “PALUWAGAN” SA CAGAYAN, PINAG-AARALAN


Ayon sa report, nagsimula umano ang pananamantala nito sa biktima taong 2017 at muling nasundan noong taong 2022 at 2023.

Samantala, wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek, kaya kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng Cauayan City PS para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments