18 ARAW NA VOTER’S REGISTRATION SA DAGUPAN CITY, NATAPOS NA ; 141K NA BILANG NG MGA BOTANTE INAASAHAN

Inaasahang papalo sa 141, 000 ang bilang ng mga botante sa lungsod ng Dagupan sa darating na Barangay at SK Election matapos isagawa ang 18 araw na voter’s registration.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, City Election Officer, wala na umanong ibinigay na extension kahit pa dagsa ang mga nagtungo sa kanilang tanggapan kahapon.
Matatandaan na binuksan muli ang voter’s registration noong ika-4 ng Hulyo.

Sa isang araw nasa higit 200 aplikasyon ang pinoproseso ng kanilang opisina.
Kabilang dito ang applications for registration, reactivation, change/correction of entries and inclusion.
Ayon sa opisyal, 75% sa mga aplikasyong natanggap ay mula sa mga kabataan.
Nakatakda namang simulan ang cleansing o paglilinis sa listahan ng mga botante sa lungsod dahil sa ang ilan sa mga ito ay namatay na, lumipat ng tahanan o mayroong double registration bilang paghahanda sa BSK Election sa darating na ika-5 ng Disyembre. | ifmnews
Facebook Comments