18 bagong air conditioning unit pakikinabangan ng mga pasahero ng MRT-3

Kasabay  nang nararanasang mainit na panahon, dumating na ang labing walo pang mga bagong air conditioning unit na ikakabit sa mga bagon ng MRT-3.

Ito ay para gawing mas  komportable ang pagbiyahe ng mga pasahero sa MRT-3.

Noong October 2018, unang dumating ang 48 mula sa 78 air conditioning unit na binili ng administrasyong Duterte.


Ang 42 ay agad naikabit sa mga bagon ng MRT-3.

Ang nalalabi pang 18 air conditioning unit na binili ng gobyerno para sa MRT-3 ay darating sa bansa sa susunod na buwan.

Facebook Comments