18 BIIK, IPINAMAHAGI SA MGA MAGBABABOY SA MANAOAG

Tinanggap ng ilang magbababoy sa Manaoag ang labing walong biik sa ilalim ng Swine Multiplier Farm Project upang magbigay ng karagdagang kita sa kanilang kabuhayan.

Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang ika-apat na batch ng distribusyon sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon sa tanggapan, kinakailangan na may sapat na kaalaman at karanasan sa pag-aalaga ng baboy ang aplikante, o miyembro ng isang rehistradong farmer association o sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang maging kwalipikado.

Sa pamamagitan nito, pinapalakas ang livestock industry ng bayan at patuloy na matulungan ang hog raisers na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa African Swine Fever noong mga nakaraang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments