Tuesday, February 24, 2026

18 Chinese vessels, na-monitor ng AFP sa nakalipas na linggo

Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 18 Chinese vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na Linggo, Pebrero 15 hanggang 22.

Mayroong apat na People’s Liberation Army (PLA) Navy Ships at limang Chinese Coast Guards (CCGs) ang namataan sa Bajo de Masinloc.

Samantala, sa Ayungin Shoal 4 na CCGs naman ay namataan.

Sa Escoda Shoal namataan naman ang 2 PLA Navy at 1 Chinese Coast Guard.

At sa Pagasa Island, 1 PLA Navy at 1 Chinese Coast Guard ang namataan.

Ayon kay Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi nito tinitingnan kung bumaba ba o tumaas ang datos kada linggo ang importanteng tinitingnan nila ay ang ilegal na presensya ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Tiniyak naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy na pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments