18-DAY CAMPAIGN KONTRA KARAHASAN SA KABABAIHAN AT KABATAAN, INILUNSAD SA DAGUPAN CITY

Opisyal nang inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang 18-Day Campaign to End Sexual and Gender-Based Violence (SGBV) 2025 nitong Lunes, Nobyembre 24, kasabay ng pambansang temang “UNiTEd for a VAW-Free Philippines.”

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Committee on Women, Children and Family Relations, Gender and Development (GAD) Focal Point System, Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), Barangay VAWC Desk Officers, at City Planning and Development Office ang serye ng programa at information drives para palawakin ang kamalayan ng komunidad sa karapatan ng kababaihan at umiiral na protective laws.

Kabilang sa mga aktibidad ang pagpapalakas ng suporta sa kababaihan, kabataan, pamilya, at iba pang sektor, kabilang ang programang “Lingap Dagupeña,” upang hikayatin ang mas aktibong partisipasyon sa pagtataguyod ng ligtas at makatarungang komunidad.

Alinsunod sa pandaigdigang adbokasiya ng UN Women, isasagawa ang kampanya mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 sa ilalim ng Proclamation No. 1172.

Facebook Comments