
Nasa 18 Electric Cooperatives (ECs) pa rin ang shutdown dahil sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa bansa.
Kung saan bumaba ito kumpara sa naitalang 26 na may totally interruption kahapon.
Ayon sa National Electrification Authority (NEA), nasa 12 rehiyon pa rin o 50 probinsya ang apektado ng power interruption.
Dagdag pa ng ahensya, dahil sa power shutdown, nasa mahigit apat na milyong consumer ang naapektuhan.
Kaugnay nito, ilan sa mga ECs ang inilipat sa partial power interruption status kabilang dyan ang BENECO (Benguet), PANELCO 3 (Pangasinan), NEECO 2 Area 2 (Nueva Ecija), ALECO (Albay), CASURECO 2 (Camarines Sur), MASELCO (Masbate), TISELCO (Ticao Island), at NORSAMELCO (Northern Samar).
Patuloy ang isinasagawang monitoring at restoration ng NEA ng 79 na ECs sa mga apektadong probinsya sa labing dalawang rehiyon habang sumasailalim ang mga ito sa recovery mula sa hagupit ng bagyo.









