Roxas City – Isinailalim na sa profiling ng Roxas City PNP ang 18 evacuees mula Marawi City na dumating sa Barangay Lawaan, Roxas City kahapon.
Kinumpirma ni Punong Barangay Elvis Asis na nasa tatlong pamilya ang mga evacuees kung saan sampu dito ang nasa tamang edad at ang walo ay mga bata pa.
Sinabi din ni Asis na ang isa sa mga evacuees ay tubong Roxas City at nakapag-asawa sa Marawi City. Nag-alok naman ng tulong ang CSWDO at lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Roxas tatlong pamilya na biktima ng gyera sa Mindanao.
Ayon sa mga evacuees sinadya talaga ng mga ito na iwanan ang Marawi City dahil sa matinding takot at malalang epekto nglLabanan sa pagitan Maute group at tropa ng pamahalaan.
Mananatili muna ang mga ito sa lungsod ng Roxas dahil hindi pa nila tiyak kung kailan matatapos ang gulo sa Mindanao upang sila’y makabalik at makapagsimulang muli.
Nasa pangangalaga parin ng Barangay Lawaan ang nasabing mga evacuees.