18 high-ranking drug cops, dapat tiyaking hindi mabibigyan ng retirement benefits at pensions

Pinapatiyak ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro, na hindi mabibigyan ng retirement benefits at pensions ang 18 high-ranking drug cops na nag-resign matapos akusahang may kaugnayan sa iligal na droga.

Giit ni Castro, sa halip na mabigyan ng reward ay dapat mapanagot ang nabanggit na mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakaladkad ang pangalan sa iligal na droga.

Ipinunto ni Castro, na hindi makatwiran na iba ang trato sa mga pulis na umano’y sangkot sa droga kumpara sa mga ordinaryong kawani ng gobyerno na agad nasususpinde ang mga benepisyo kapag nahaharap sa kaso.


Katwiran pa ni Castro, magbibigay ng maling mensahe sa mamamayan, oras na mabigyan ng benepisyo ang naturang mga pulis.

Facebook Comments