Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga mangingisda na umatras sa writ of kalikasan petition kaugnay ng pagkasira ng West Philippine Sea.
Kinumpirma ni IBP National President Domingo Cayosa na nagsumite sila ng compliance sa Korte Suprema at nakasaad dito ang pag-atras ng karagdagang labing walong mangingisda na petitioners.
Dahil dito, sinabi ni Cayosa na dalawang mangingisda na lamang ang naiiwan na unaccounted.
Sa naunang mosyon na isinumite ng IBP noong July 19, nauna na itong umatras sa kaso pati na ang pitong iba pang mangingisda.
Sa kabuuan ay 40 mangingisda ang nakapangalang petitioner sa kaso.
Una nang kinumpirma ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi alam ng mga mangingisda na nagamit pala sila sa nasabing petisyon.
Facebook Comments