Monday, March 2, 2026

18 KANDIDATA, IPINASILIP ANG GANDA AT KULTURA SA PRE-PAGEANT NIGHT NG MISS HUNDRED ISLANDS 2026

Punong-puno ng kumpiyansa at pagmamalaki, ipinamalas ng 18 kandidata ng Miss Hundred Islands 2026 – North Central Luzon ang mayamang kultura, tradisyon, at natatanging pagkakakilanlan ng kani-kanilang bayan, lungsod, at lalawigan sa ginanap na Pre-Pageant Night sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Sa naturang gabi, hindi lamang kagandahan ang umangat kundi maging ang lalim ng kanilang pagpapahalaga sa pinanggalingan. Bawat kandidata ay nagbigay-pugay sa kanilang lokal na pamana sa pamamagitan ng makukulay na presentasyon na sumasalamin sa identidad ng Hilagang Gitnang Luzon.

Mas lalo pang umigting ang kompetisyon sa isinagawang Swimsuit Preliminaries at Resort Wear Fashion Show, kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang tikas, poise, at kumpiyansa sa entablado. Ipinamalas nila hindi lamang ang pisikal na kahandaan kundi pati ang disiplina at determinasyon bilang mga kinatawan ng kani-kanilang lugar.

Ang pre-pageant night ay nagsilbing kapana-panabik na pasilip sa nalalapit na grand coronation night na gaganapin sa Marso 7 sa Lucap Park. Inaasahang magiging mas matindi at mas makulay ang labanan para sa inaasam na korona, sa isang gabi ng selebrasyon, talento, at tunay na diwa ng pagkakaisa ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments