
18 business agreements ang nilagdaan ng Pilipinas at India sa ikalawang bahagi ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bengaluru, India.
Kabilang sa mga kasunduan ang nasa sektor ng renewable energy, infrastructure, healthcare, education, information technology, digital services, manufacturing, at business process management.
Sa kanyang talumpati sa Philippines-India Business Forum, inanunsyo ng Pangulo ang anim na priority sectors kung saan aktibong naghahanap ang Pilipinas ng strategic investments at joint ventures kasama ang mga Indian companies.
Ayon sa Pangulo, ang mga industriyang ito ay nakalinya sa global footprint ng Indian industry at may malawak na potensyal para sa tagumpay ng dalawang bansa.
Tiniyak din ng Pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maging maginhawa at kapaki-pakinabang ang pamumuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga hakbangin ay ang streamlining ng proseso sa mga regulatory at administrative requirements, pagpapadali ng proseso sa investment approvals sa pamamagitan ng Green Lane, pagpapalwak ng saklaw ng fiscal incentive system at strategic investment priority system hanggang 27 taon.









