Labing walo katao na kinabibilangan ng 6 na adult at 12 mga kabataan ang naospital matapos hinihinalang malason sa kinaing halo-halo sa Brgy. Manindolo, Datu Paglas Maguindanao.
Sinasabing masaya pang pinagsaluhan ng 3 pamilya na karamihan ay mga magsasaka ang halo-halo noong unang araw ng bagong taon, ngunit matapos ang ilang minuto ay agad na nakaramdam ng pagsusuka, pagtatae, pagkahilo at ang iba ay tuluyang nawalan pa ng malay ayon pa sa kaanak ng mga ito na si Ibrahim Molilis, sa exclusive interview ng DXMY RMN Cotabato.
Kinilala ang mga naisugod sa Hospital sa bahagi ng Tulunan na sina Burgo Pailan, Noraisa Pailan, Mohamad Pailan,Datumanot Pailan, Baifara Pailan, Lagabai Lamalan, Aida Padao, Mohamad Padao, Mohasir Padao, Adil Kanakan, Alonto Kanakan, Norhaima Kanakan, Norhamin Dimaloloy, Nasrullah Dimaloloy, Nasrullah Bantas, at Kutin Duko.
Bagaman nagpapatuloy ang pagsusuri ng mga health expert kung anu ang naging ugat dahilan ng insidente, malaki ang paniniwala ng mga kaanak ng mga naospital na maaring ang inihalong gatas sa halo-halo ang nagdulot ng karamdaman sa mga ito. Kasalukuyang nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang mga biktima. ( Nash Alfonso)
GOOGLE PIC