Nanatili Sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang
labing walong miyembro ng Tulong Kabataan Party List na inaresto matapos magkilos protesta kahapon sa Kalayaan Ave. Cor. Maparaan St Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.
Inaresto ang grupo dahil ipinagbabawal ang malalaking pagtitipon habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay QPCD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito sa pamamagitan ng online inquest.
Kabilang sa reklamong isasampa laban sa mga ito ay ang paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act in relation to Bayanihan to heal as one Act, at Public assembly act.