18 katao, sugatan sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Sugatan ang 18 katao kabilang ang anim na menor de edad at isang buntis sa nangyaring pagsabog sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division, naganap ang pagsabog sa Carlito’s Place Restaurant sa national highway sa Barangay Kalawag 2, pasado alas-3 ng hapon kahapon.

Aniya, isang improvised explosive device o IED ang ginamit sa pagsabog.


Nananatili namang nakakordon ang pinangyarihan ng pagsabog at inaalam na rin ang motibo at sino ang nasa likod ng pangyayari.

Facebook Comments