Nasa 18 Local Government Units (LGUs) sa bansa ang itinuturing na “high-risk” areas dahil sa mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Base sa monitoring ng OCTA Research Team noong October 26, ilan sa mga lugar na high-risk areas ay ang mga sumusunod:
– Pasay – Taytay, Rizal
– Makati – Lucena, Quezon
– Pasig – Ilagan, Isabela
– Mandaluyong – Batangas City, Batangas
– Baguio City, Benguet – General Trias, Cavite
– Itogon, Benguet – Iloilo City
– Calamba, Laguna – San Carlos City, Negros Occidental
– Angono, Rizal – Davao City, Davao Del Sur
– Cainta, Rizal – Butuan City, Agusan Del Norte
Sa pahayag pa ng OCTA Research, posibleng mas tumaas pa ang kaso ng COVID-19 matapos na luwagan ang restriction sa mga pampublikong transportasyon kung saan nananawagan sila sa gobyerno at sa lokal na pamahalaan na imonitor at mahigpit na pairalin ang minimum health standards.