Labing walong milyong pamilya sa bansa ang walang ipon o naitabing panggastos sa oras nang kanilang pangangailangan.
Ito ang natuklasan ng non-profit research institution na Ibon Foundation, batay na rin sa nakuha nilang datos sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong taon.
Sa interview ng RMN Manila kay Ibon Foundation Executive Dir. Sonny Africa, nanawagan ito sa pamahalaan na aksyunan agad ang pagbuhay ng ekonomiya ng bansa lalo na’t dumarami ang walang trabaho at mahihirap.
Ayon kay Africa, mula sa 500,000 naghihingalong Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), nasa 31,000 lang ang nabigyan ng tulong ng Department of Trade and Industry habang nasa 100,000 ang nagsara noong buwan ng Hunyo.
Facebook Comments