18 milyong piso, inilaan para sa clinical trials ng anti-flu drug na Avigan ayon sa weekly report ni Pangulong Duterte

Naglaan ang pamahalaan ng ₱18 milyon sa Department of Health (DOH) para sa pagsasagawa ng clinical trials ng anti-flu drug na ‘Avigan.’

Aalamin sa pag-aaral kung magagamit ba ito bilang gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa kaniyang ikawalong weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatlong lugar ang pinili para sa pagsasagawa ng clinical trials ng nasa 80 hanggang 100 pasyente.


Hindi na binanggit sa report kung saan matatagpuan ang trial sites.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ay nagsasagawa ng exploratory talks sa ilang research groups at organizations abroad para sa pagsasagawa ng clinical trials sa ilang bakuna.

Mula nitong May 12, 2020, nasa 24 na ospital ang nakikilahok sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) para malaman ang bisa ng mga posibleng gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Matatandaan ding nag-alok ang Pangulo ng nasa ₱50 million na pabuya sa sinumang makakalikha ng gamot laban sa virus.

Facebook Comments