
Hindi lang isa o dalawa, kundi labing walong pusa na naimpound sa Alaminos City ang inampon ng isang cat lover, dalawang araw matapos ang Araw ng mga Puso.
Kaya naman love is always is in the air, hindi lang sa tao kundi pati sa mga pusang gala na aakalain mong wala nang pag-asa.
Ito ang kahanga-hangang halimbawa ng malasakit sa hayop na ipinakita ni Michelle Navarro nang walang pag-aalinlangan niyang ampunin niya ang 18 pusa mula sa Veterinary office ng Alaminos City.
Ang kanyang desisyon ay nagbigay ng bagong pag-asa sa mga pusang gala sa lansangan dahil ngayon may pagkakataon na silang magkaroon ng maayos na tirahan, sapat na pagkain, at higit sa lahat pagmamahal at pagkalinga na kanilang kailangan.
Hindi biro ang responsibilidad na inako ni Idol Michelle ngunit sa kanyang desisyon pa lamang, makikita na ang kagustuhan nitong ibahagi ang pagmamahal na walang pinipiling anyo.
Tagos sa puso ang tapang na ipinakita ni Idol Michelle na umantig sa atensyon ng ilan pang cat lover o fur parents, na nawa’y magsilbing paalala rin sa responsableng pag-aalaga at pagtugon sa kinakailangan ng mga alagang hayop.
Magsilbing inspirasyon sana ang kabutihan na ipinakita ni Navarro upang mas marami pang animal lovers ang magbukas ng puso at tahanan para sa mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










