18 NCR+ LGUs, natapos ang pamamahagi ng ayuda bago ang deadline sa May 15 – DILG

Nasa 18 local government units (LGUs) sa Metro Manila at apat na kalapit probinsya ang natapos na ang pamamahagi ng financial assistance bago sumapit ang May 15 deadline.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa ₱1.93 billion na halaga ng ayuda ang naipamahagi ng 18 NCR plus LGUs.

Karamihan sa mga LGUs ay sinisikap na matapos ang aid distribution.


Ang mga bayan o lungsod na nakumpleto na ang pamamahagi ng ayuda ay ang:

LAGUNA:
• Biñan
• Cabuyao
• San Pedro
• Santa Rosa
• Alaminos
• Calauan
• Famy
• Magdalena
• Nagcarlan
• Paete
• Pila
• Rizal
• Santa Cruz

BULACAN:
• Guiguinto
• Pandi

CAVITE:
• Tagaytay
• Amadeo
• Naic

Ang mga LGUs sa Rizal ay hindi pa natatapos ang pamamahagi ng ayuda pero ang bayan ng Cardona ay malapit nang matapos na nasa 95.94%.

Sa kabuoan, nasa ₱18.6 billion ang naipamahaging ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lahat ng mga LGUs sa NCR plus bubble.

Facebook Comments