Aminado ang Commission on Population (POPCOM) na hindi pa rin natutugunan ang pangangailangan para sa family planning.
Ito ay matapos lumabas na 18% ng mga kababaihang Pilipino ang gumagamit ng modern contraceptives.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, mas maraming anak ang mga babaeng nasa ‘poor’ at ‘less educated’.
Base sa 2017 National Demographic at Health Survey, 0.3% ng Filipino Women lamang ang gumagamit ng natural family planning methods.
Dagdag pa ni Perez, isa sa pangunahing dahilan ng hindi inaasahang pagbubuntis ay kawalan ng access sa family planning information at services.
Maaari lamang matugunan ito sa pamamagitan ng responsible parenthood at reproductive health law na magbibigay ng universal access sa pinalawak na family planning methods kabilang ang natural at artificial methods.
Matatandaang natural family planning month ang Mayo.