18 North Koreans, pinatawan ng sanction ng South Korean

World – Naglabas ng panibagong unilateral sanction ang South Korea laban sa Pyongyang.

Ito ay isang araw bago ang nakatakdang pagbisita sa Seoul ni US President Donald Trump na bahagi ng kanyang Asian tour na layong pag-usapan ang isyu sa bantang nuclear attack ng North Korea.

Blacklisted na ang labing-walaong North Korean bankers sa China, Russia at Libya na hinihinalang may koneksyon sa weapon program ni North Korean Leader Kim Jong-Un.


Nilinaw naman ng South Korea na walang kinalaman sa pagbisita ni Trump sa bansa ang naturang hakbang.

Facebook Comments