18 pang mga Pilipinong biktima ng illegal recruiter, nakauwi na ng bansa mula Cambodia

Nakauwi na ng bansa ang 18 pang mga Pilipino na iligal na ni-recruit para magtrabaho sa Cambodia.

Ang naturang mga Pinoy ay na-rescue sa tulong ng Cambodian law enforcement authorities.

Kabilang sa sumalubong sa NAIA sa mga Pinoy ay ilang tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Sinagot naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang airfare ng naturang mga biktima.

Nagpaalala naman sa publiko ang Philippine Embassy sa Cambodia na mag-ingat sa mga nag-aalok ng trabaho bilang customer service representative (CSR) at data entry specialist jobs sa mga hindi rehistradong kompanya sa abroad.

Facebook Comments