Matagumpay ang naging kauna-unahang operasyon ng labing walong Pangasinense na dumaranas ng katarata sa Eye Center ng Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center.
Mga residente mula sa iba’t-ibang bayan ng ika-anim na Distrito ng lalawigan ang naging pinakaunang benepisyaryo ng operasyon.
Ngayong Mayo ay pormal nang binuksan ang naturang pasilidad na may layuning matulungan ang mga pasyenteng walang kakayahang makapag pagamot at mapanumbalik ang malinaw na paningin.
Naunang sumailalim sa konsultasyon ang mga pasyente bilang paghahanda sa kondisyon ng kanilang pangangatawan bago ang operasyon.
Hinihikayat ng pamunuan ang publiko na bumisita sa tanggapan upang magpakonsulta at mabigyan ng libreng serbisyong medical. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments