18 patay habang 16 sugatan matapos masunog ang isang paaralan sa China

Aabot sa 18 katao ang nasawi habang 16 ang nasugatan sa naganap na sunog sa martial arts school sa China.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga biktima ay nasa edad na pito hanggang 16 taong gulang.

Agad namang naapula ang sunog at iniimbestigahan na rin ang sanhi nito.


Nabatid na aabot sa 34 na boarding students ang nasa loob ng gusali nang magsimula ang sunog.

Facebook Comments