Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang dalawang magkasunod ng pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan nasawi ang 18 katao at ikinasugat ng 82 iba pa.
Ayon kay AFP Spokesman, Brig. Gen. Edgard Arevalo, nakikiramay sila ang buong sandatahang lakas sa pamilya ng mga biktima.
Aniya, tinitiyak ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., na tutugusin ang nasa likod ng karahasan.
Kasabay nito, umapela ang AFP sa publiko na maging mahinahon at mapagmatiyag.
Facebook Comments