18 pribadong paaralan sa bansa, nagsimula na sa pilot run ng face-to-face classes

Umarangkada na ang pilot run ng face-to-face classes sa labing-walong pribadong paaralan na nasa low risk area ng COVID-19.

Mula ito Kindergarten hanggang Grade 1 maging ang mga paaralang nag-aalok ng K-12 curriculum.

Ayon kay Jocelyn Andaya, director ng Bureau of Curriculum Development ng Department of Education (DepEd), 20 dapat ang orihinal na bilang ng private schools na mag-uumpisa ng pilot study pero labing-walo lamang dito ang nag-umpisa.


Ang dalawang paaralan na nagpostpone ng pilot run ay ang; Singapore School Clark na mayroon nang bagong school calendar at Xavier University Senior High School na nangangailangan pa ng maraming panahon para makapaghanda.

Sa ngayon, naghinitay na lamang ng go signal ang maraming pribadong paaralan na miyembro ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) para makasali na rin sila sa limited face-to-face classes.

Humirit din ang mga ito na payagan silang mag-monitor hindi lamang sa tatlo nilang miyembro na kalahok sa pilot run, kundi maging maging sa iba pang eskwelahang kasama.

Unang nagsimula ng limited face-to-face classes ang 100 pampublikong paaralan sa bansa nitong November 15 na pawang nasa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments