Kinilala ng Philippine National Police ang ipinakitang katapangan ng 18 pulis ng Victoria Municipal Station na tagumpay na naitaboy ang nasa 50 myembro ng New People’s Army.
Sa flag raising ceremony sa Camp Crame, ginawaran mismo ni PNP Chief General Oscar Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan sina:
- Police Lt. Eladio G. Alo, Hepe ng Victoria Municipal Station
- Pol. Chief Master Seargent’s Aimee Lutze Cadiente at Marlon Ordonia
- Pol. Sr. Master Seargent Arturo Gordo Jr.
- Pol. Master Seargent Arnold Cabacang
- Pol. Staff Seargent’s Ramil Ramos, Raul Francisco Jr.; Brande Esquilon ;
- Pol. Corporal’s Bryan Ed Penaflor; Jaykarl Laurio; Eddie Edwin Diaz; Tracy Silagan Jake Salesa;
- Patrolman’s Ronnel Goco; Marlon Estopagian; Errol Montopar; Geral Casyao at Jhonar Cris Bernadas.
Tumanggap rin ng Medalya ng sugatang magiting sina Gordo at Cabacang ng Medalya makaraang magtamo ng sugat sa bakbakan.
Bukod rito bibigyan rin ng spot promotion ang labing walong pulis kabilang na ang isang babae.
Sinabi ni Albayakde magandang halimbawa ang ipinakita ng mga pulis na kahit na dehado sa bilang ay lumaban at nanalo pa.
Kaya, naniniwala sya na malaking dagok sa NPA ang nangyari lalo pa’t 3 sa kanilang mga myembro ang nasawi.
Facebook Comments