18 reefer containers na naglalaman ng smuggled red onions, iniimbestigahan ng DA at BOC sa Cagayan de Oro

18 reefer containers ang pinigil ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa pantalan ng Cagayan de Oro.

Pinagdudahan ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI) Team na pinamunuan ni DA ASec. Federico Laciste Jr. na lahat ng ito ay naglalaman ng smuggled na pulang sibuyas.

Pito na sa mga reefer containers ang na-inspection ng task group at nakitang puno ng red onions.


Una nang humiling ng Alert Order si STG-EI Alternate Chair, Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo sa Bureau of Customs o BOC para pigilan at imbestigahan ang container vans.

Ngayong araw, ipagpapatuloy pa ang inspection sa natitira pang 11 reefer containers para makita ang laman nito.

Facebook Comments