Nasawi ang 18 sibilyan habang sugatan naman ang nasa walo pang katao sa nangyaring pag-atake ng mga militanteng grupo sa Western Nigeria malapit sa border ng Mali, West Africa.
Ayon sa mga otoridad, dalawang miyembro ng Jihadist o Militant Islamic Movement na nasakay ng isang motorbike ang sumugod sa isang traveling truck at pinagbabaril ang mga biktimang sakay nito.
Lima sa mga sugatan na indibidwal ay nasa kritikal na kundisyon habang patuloy namang nagpapagaling ang iba pa sa ospital.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pag-atake ng mga armadong indibidwal sa naturang lugar.
Facebook Comments