18 taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas, pwede na sa point-to-point interzonal travel

611

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga 18 taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas na makabiyahe o makapag-travel.

Sa IATF Resolution No.142, kahit na may comorbidities ang mga nabanggit na age group kasama na ang mga nagdadalang tao ay pwede na sila na makapag-interzonal travel basta’t point-to-point.

Ito ay sa mga lugar na sakop ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, subject pa rin ito ng guidelines at strict protocol na itatakda ng Tourism Department at regulasyon ng pupuntahang lokal na pamahalaan.

Facebook Comments