18 vaccination sites, target itayo sa Maynila

Photo Courtesy: NTF Against COVID-19 | Facebook

Kinumpirma ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na 18 vaccination sites ang pinaplano nilang ilagay sa buong lungsod para sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Kung magagawa aniya ito ay nasa 18,000 kada araw ang mababakunahan at kung gagawin ito mula Lunes hanggang Linggo ay aabot sa 540,000 ang tatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Moreno na ang simulation exercise (SimEx) na ito ang pinakamalapit sa katotohanan dahil sa target ngayon na maserbisyuhan na 1,000 volunteer.


Mahalaga aniya ang aktibidad dahil sa hindi ordinaryo ang pagbabakuna na gagawin lalo na at may ipinaiiral na health protocols kabilang ang social distancing.

Bukod dito, iba-iba rin ang paraan sa pagtuturok ng bakuna depende sa gagamitin kaya’t kasama ito sa pinaghahandaan ng Manila Health Department at medical frontliners na katuwang nila sa vaccination program.

Facebook Comments