180 kataong natagpuang patay sa Northern Burkina Faso, pinaniniwalaang biktima ng extra judicial killing ayon sa Human Rights Watch

Pinaniniwalaang biktima ng extrajudicial killings ang 180 mga katawan na natagpuang patay sa bayan ng Djibo, Burkina Faso.

Ayon sa Human Rights Watch (HRW), karamihan sa mga katawan ng mga biktima ay itinapon na lamang sa highway at sa ilalim ng tulay maging sa mga bukirin.

Una ng sinabi ng mga residente sa nasabing lugar na karamihan sa mga biktimang nailibing sa pagitan ng Marso at Abril ay natagpuan ding patay kung saan nakitang naka-blindfold ang mga ito at may mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.


Samantala, umabot naman sa mahigit 12,000,000 million ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 548,822 ang mga namatay habang mahigit 6.5 million naman ang recoveries.

Facebook Comments