1,800 pamilya, lumikas kasunod na gulong nangyayari sa ilang bayan sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Nasa 1800 na pamilya na ang bilang ng mga nagsilikas dahil sa gulong namamayani sa ilang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga nagsilikas na pamilya ay mula sa karatig lugar ng Datu Saudi, Datu Salibo, Datu Unsay na ngayon ay nanunuluyan sa barangay Kuloy sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Ang paglikas ng mga sibilyan ay bunga ng pinalakas na focus military operation sa SPMS box laban sa BIFF at mga terorista.


Sinabi ni Shariff Aguak Mayor Engr. Marouf Ampatuan, kahit meron ng go signal ang militar para sila ay umuwi, marami sa kanila ang nanatili sa evacuation center dahil sa takot.

Tatlong beses na rin silang nagkaloob ng tulong sa mga Bakwit.

DZXL558

Facebook Comments