1,800 pasahero stranded sa Eastern Visayas at Bicol dahil sa Bagyong Bising – NDRRMC

Umabot na sa 1,800 pasahero ang na-stranded habang 500 indibidwal ang napilitang lumikas dahil sa epekto ng Bagyong Bising sa Eastern Visayas at Bicol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, aabot sa 865 na pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Eastern Visayas.

Nasa 391 rolling cargoes at apat na iba pang sasakyang pandagat ang pinigilang maglayag dahil sa masungit na karagatan.


Sa Bicol, 995 na pasahero ang standed habang 319 rolling cargoes tulad ng bus, truck at iba pang land vehicles ang hindi pinayagang bumiyahe.

Nananatiling naka-red alert status ang NDRRMC mula nang magsimula ang COVID-19 operations nito noong nakaraang taon.

Facebook Comments