18,000 kilo ng kahon-kahong beer, humambalang sa kalsada sa Amerika

Panghimagas – Humambalang sa kalsada ang isang natumbang truck na may dalang higit 18,000 kilo ng beer.

Kwento ng driver na si Rachel Smith, papunta sana siya sa Colorado para i-deliver ang mga kahon-kahong beer.

Nang paakyat na siya sa isang runaway ramp, nakaamoy siya ng usok.


Nalaman na lamang niya na umuusok ang brakes ng truck habang tumatakbo sa bilis na 65 kilometers per hour.

Dito tumagilid ang truck at kumalat sa kalsada ang mga kahon-kahong beer.

Facebook Comments