180K NA HALAGA NG VAPE PRODUCTS SA DALAWANG LUGAR SA PANGASINAN, NAKUMPISKA NG DTI-REGION 1

Sa patuloy na pagsasagawa ng masusing monitoring and enforcement ng Department of Trade and Industry nakumpiska ang libu-libong halaga ng vape products sa dalawang lugar sa Pangasinan.
Partikular na binisita ng DTI-Region 1 katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang mga vape shops sa Dagupan City at sa bayan ng Calasiao.
Sa loob ng dalawang araw na monitoring at enforcement ng dalawang grupo, labing-lima ang nabisita at apat dito ay na-issuehan ng notice of violation at nakumpiska sa mga ito ang aabot sa 1,074 na piraso ng vape products na nagkakahalaga ng mahigit na P180,000.

Sa ilalim ng aktibidad na ito ng ahensya, ay matagumpay na naipatupad ang pagsasagawa ng monitoring at enforcement ito ay dahil sa bisa ng Republic Act 11900 o ang Vape Law.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang monitoring at enforcement ng ahensya sa mga vape shops iba’t ibang lugar sa Rehiyon Uno. |ifmnews
Facebook Comments