Sa ibinahaging impormasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamamagitan ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) nasa 23,617 na pamilya na binubuo ng 82,494 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya.
Ang bayan ng Aparri ang may pinakamaraming pamilya na naitalang naapektuhan na umabot sa 14,503 pamilya na binubuo ng 50,754 indibidwal.
Bahagya ring ang pagbaba ng tubig baha sa Cagayan kung kaya’t nakabalik na sa kani-kanilang bahay ang halos lahat ng mga lumikas na indbiwal at pamilya sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha.
Samantala, hindi pa rin maaaring daanan ang ilang kalsada na kinabibilangan ng Anungu Road sa bayan ng Rizal, Alucao-Buyun Provincial Road, Paddaya West provincial road, Balza Remebella Brgy. Road sa Buguey; Palawig-Santa Clara at Patunungan provincial road sa Sta. Ana, Binubongan Dalayap road sa Allacapan, at Magarubat, Badol at Kanipaan bridge sa Calayan dahil sa nangyaring bagyo.
May naitala naman tatlong bahay na bahagyang nasira dahil sa bagyo sa bayan ng Claveria at Sanchez Mira, habang may isang bahay naman ang lubos na nasira sa Brgy. Union, Claveria.
Patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga pinsala sa ari-arian na iniwan ng bagyong “Neneng”