181 OFWs mula Indonesia, dumating na sa NAIA

Umuwi na rin sa bansa ang 181 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Indonesia sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sila ay agad na dinala sa quarantine facilities ng gobyerno matapos na sunduin sa Indonesia ng Cebu Pacific flight.

Habang naghihintay ng kanilang repatriation ay inalalayan ng Philippine Embassy sa Jakarta ang stranded Pinoy workers.


Patuloy naman ang paghahanda ng mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa para mapauwi na rin ang iba pang OFWs na nawalan ng trabaho sa abroad sa gitna ng pandemic.

Facebook Comments