Tinatayang nasa 181 na paintings ang nawawala mula sa pag-iingat ng Commission on Audit (COA).
Ito ay natuklasan ng state auditors matapos iutos ng COA central office ang physical inventory sa “plant, property and equipment” ng ahensya na requirement sa ilalim ng Government Auditing Code of the Philippines.
Ayon sa COA, nalaman nito ang tungkol sa mga nawawalang painting dahil sa discrepancies sa records ng accounting at property divisions.
Sa records ng accounting division ay sinabi ng audit team na mayroon 353 na paintings na pag-aari ang COA.
Ngunit sa hiwalay na listahan ng property division ay nasa 172 lamang ang paintings na meron ang ahensya.
Facebook Comments