Umabot sa halos dalawang daang mga indibidwal na sangkot sa droga ang matagumpay na naaaresto ng kapulisan sa buong rehiyon Uno nitong buwan ng Agosto.
Sa ikinasang 156 na anti-illegal drug operation, nakumpiska ang 899.66 gramo ng hinihinalang shabu, 668 gramo ng dried marijuana leaves. 10, 250 na fully grown marijuana plants, at 1, 000 marijuana seedlings, kung saan umabot sa higit walong milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ang mga naarestong drug suspek para sa tamang disposisyon.
Samantala, patuloy pang pinaiigting ng Police Regional Office 1 ang kampanya kontra ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









