Marawi City, Philippines – Nailigtas ang nasa 182 sibilyan sa isinagawang rescue operation sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command (Westmincom) Commander, Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. – sa kanilang huling tala nasa 1,236 hostages at na-trap na sibilyan ang nasagip ng security forces habang aabot naman sa 20 ang brutal na pinaslang ng naturang terror group.
Kasabay nito, aabot na sa 120 terorista ang napatay, 42 dito ang narekober ang mga bangkay simula ng sumiklab ang krisis noong Mayo 23 at siyam ang nagsisuko habang narekober naman ng 98 malalakas na kalibre ng armas.
Sa panig ng tropang gobyerno, 38 ang nasawi at nasa 79 ang sugatan habang tatlo ang nasawing pulis at lima ang nasugatan.
DZXL558
Facebook Comments