183 Barangay Captains, kinasuhan dahil sa anomalya sa SAP Distribution; 2,000 telco tower applications, aprubado na

Aabot sa higit 200 barangay chairpersons na sangkot sa iregularidad sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ang nahaharap sa reklamo o nasuspinde.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 183 barangay heads ang kasalukuyang nahaharap sa kaso habang nasa 89 ang nasuspinde.

Nakatanggap din sila ng 781 complaints para sa 1,259 suspects.


Nakapagsagawa na sila ng 363 investigations.

Bukod dito, sinabi rin ni Año na nag-isyu na sila ng show cause orders sa 10 alkalde na wala sa kanilang bayan nang tumama ang Bagyong Rolly.

Samantala, iniulat din ni Año na inaprubahan na ng pamahalaan ang higit 2,000 applications para sa pagtatayo ng cell tower permits.

Aabot sa 815 ang naaprubahang application, na may kabuuang 2,082 permits.

Mayroon pang 637 ang nakabinbin ang applications.

Facebook Comments