184K NA PAMILYA SA ILOCOS REGION, NATUKOY NG DSWD FIELD OFFICE 1 BILANG MAHIHIRAP AT NANGANGAILANGAN NG TULONG

Pumalo sa 184,263 o 19% na pamilya ang natukoy ng Department of Social Welfare and Development Region 1 bilang mahihirap at nangangailangan ng tulong.
Lumabas ito sa isinagawang assessment ng kagawaran sa ilalim ng programang Listahanan 3 o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction para sa mga stakeholder nito.
Ang listahanan ay isang information management system na nagtataguyod ng database para sa mahihirap na pamilyang Pilipino na siyang gagamitin naman sa pamamahagi ng ayuda para sa mga ito.

Sa datos ng DSWD Field Office 1, nasa 973, 255 ang kanilang na-assess at natukoy na mahirap.
Lumalabas sa datos, 5.5% dito ay mula sa Ilocos Norte, 7.76% ay sa Ilocos Sur, 2.5% sa La Union at 84.24% sa lalawigan ng Pangasinan.
18% sa datos ay nadagdag sa listahan ng mga mahihirap sa Pangasinan.
Dahil dito, hinihikayat ng DSWD ang mga LGUs na makipag ugnayan sa provincial field offices upang ma-identify ang mga benepisyaryo na talagang nangangailangan ng tulong. | ifmnews
Facebook Comments