185 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras

Patuloy na nagpapakita ng aktibidad ang Bulkang Taal, halos dalawang linggo matapos itong sumabog noong July 1.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), 185 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang rito ang pitong low frequency volcanic earthquakes at 176 volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang 16 na minuto.


Tuloy-tuloy din ang paglalabas nito ng sulfur dioxide gas na may average na 6,421 tonnes per day at ng steam-rich plume sa taas na 1,500 meters.

Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan.

Facebook Comments