185,000 na 45 minutes test kits, ipamamahagi sa mga ospital

Tatanggap ng 185,000 test kits ang Department of Health na kayang maka-detect ng Coronavirus Disease sa loob lamang ng 45 minuto.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, nauna nang dumating ang unang batch ng 3,000 rapid test kit na Xpert Xpress SARS-CoV-2 at ang natitira pa ay ide-deliver sa mga susunod na linggo .

Sinabi ng Kongresista na ang nasabing test kit na gawa ng kumpanyang Cepheid Inc. sa California ang siyang ginagamit sa mga ospital sa Amerika.


Binigyang diin nito ang kahalagahan ng mabilis at reliable na pagsusuri sa pagliligtas ng buhay ngayong malaking hamon sa healthcare facilities ng bansa ang paglobo ng bilang ng hinihinalang COVID-19 cases.

Ang 185,000 test kits ay direktang mapupunta sa DOH na siya namang magdedeploy nito sa mga mangangailangang mga ospital.

Facebook Comments