187 illegal POGO workers na pina-deport nitong linggo, nilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na blacklisted na ang 187 Chinese nationals na pina-deport nila dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gaming operations.

Ayon sa BI, nangangahulugan ito na hindi na makakapasok muli ng Pilipinas ang mga pina-deport na Tsino.

Iginiit ng BI na lumabag sa batas ng Pilipinas at sa immigration regulations ang mga pina-deport ng Chinese POGO workers.


Sila ay unang naaresto sa operasyon ng immigration sa Pasay City at Cebu.

Hindi naman nakasabay sa flight patungong Shanghai ang tatlong iba pang Tsino dahil ang isa sa kanila ay may hold departure order habang ang dalawa ay may pending na kaso sa korte ng Pilipinas.

Facebook Comments