187-million pesos na halaga ng smuggled na mga sigarilyo, nasabat sa Manila Port

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang pitong container vans na naglalaman ng 6,249 master cases o kahon ng mga smuggled na sigarilyo.

Ang shipment ay nagmula sa China na idineklarang mga towels, iba’t ibang uri ng mga bags, bed sheets, at mga tela pero nadiskubreng naglalaman ng mga sigarilyong Two Moon, Mighty, Marvel at D&B cigarettes na nagkakahalaga ng halos 187 milyong piso.

Ang consignee ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 117 in relation to Section 1113 of the Customs Modernization and Tariff Act, National Tobacco Administration at Bureau of Internal Revenue rules and regulations


Kamakailan lang ay nasabat din sa nasabing pantalan ang isa pang shipment ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng halos 33 milyong piso.

Facebook Comments