San Mariano,Isabela- Matapos ang anim na buwan na pagsasanay sa ilalim ng
ibar ibang programa ng TESDA ay nakapagtapis narin ang mga dating nalulong
o sangkot sa ipinagbabawal na droga na kinatok at hinikayat g kapulisan na
sumailalim sa Community Based Rehabilitatuon Program ng pamahalaan.
Sa isinagawang graduation ceremony na sinaksihan mismo ng RMN News Cauayan
na pinangunahan ng kapulisan ng San Mariano at pamahalaan bayan kung saan
dinaluhan ng mga matataas na pinuno ng PNP sa lambak ng Cagayan sa
pangunguna ni PSupt. Arnel Cleto Atluna,PDEA at iba pang ahensya ng
pamahalaan,pinasalamatan ng mga alagad ng baras ang nasabing mga dating
lulong sa droga sa kanilang panawagan na itigil na ang masamang bisyo na
nagdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging ang
sambayanan.
Sa talumpati ni Municipal Administrator Ret.Col.Monico Aggabao
,pinasalamatan nito ang pangulong duterte dahil sa kanyang determinasyon na
wakasa ang salot na droga sa lipunan at isalba ang mamamayan sa kumunoy ng
kasamaan.
Dagdag pa nito na sa dami ng nasangkot sa bayan ng sanariano maaaring sa
paglipas ng pa ng panahon ay di malayong lahat g mamamyan nito ay maaring
tokhang responders narin kung hindi isinulong ang paglaban kontra droga g
administrasyong Duterte kayat nagpapasalamat ang naturang opisyal dahil
taging si President Duterte lamang umano ag nagkaroon ng lakas g loo upag
labanan ang maimpluwensya mga sangkot sa droga sa buong bansa.
Hinikayat din ng mga dumalo sa na opisyal ng ibat ibang ahensya ang mga
nagtapos na wag ngang balikan pa ang madilim at masalimuot na pqrte ng
kanilang buhay para narin sa ikatatahimik ng sambayanan at ng kanilang
pamilya.
Ang mga nagtapos sa nasabing programa ay kinabibilangan pa mismo ng ilang
mga barangay kagawad,tanod,kabataan,mwgsasaka,negosyante,at iba pang
sektor ng lipunan,sa nasbing bilang ay tatlong kababaihan ang nasangkot at
nagtapis sa naturang programa na inilunsad ng LGU san mariano,TESDA,at PNP.