Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sapat ang buffer stock ng bigas sa bansa.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos pangunahan ang pamimigay ng bigas sa Zamboanga City kaninang umaga.
Ayon sa presidente, patuloy ang pagtutok nang kanyang administrasyon sa suplay at presyo ng bigas upang masigurong may sapat na buffer stock ito sa harap na rin ng pamimili rin ng bigas ng ibang mga Asian countries ng bigas para mapaghandaan ang El Niño phenomenon at iba pang global events.
Sinabi pa ng pangulo, na titingnan nila ngayon kung gaano karami ang pangangailang bigas ng mga Pilipino at pupunuin ang lahat ng bodega ng National Food Authority (NFA) at titiyaking walang pagtaas sa presyo.
Ang ipinamahaging bigas kanina na pinangunahan ng pangulo ay bahagi ng 42,180 smuggled sacks na nagkakahalaga ng ₱42 milyon na nasa bodega ng NFA sa Zamboanga City.
Samantala, tiniyak naman ng pangulo sa mga residente ng lungsod ng Zamboanga na ginagawa lahat ng pamahalaan para sa mas maraming oportunidad upang magkaroon ng mas komportableng buhay.